Handa ang Senado sa panawagan ng Department of Health na amyendahan ang Vaccination Program Act o RA 11525.
Ito, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ay upang maipagpatuloy ng DOH ang vaccination program nito.
Iginiit ni Zubiri na kung may takdang panahon ang ilang probisyon sa Vaccination Program Act ay handa nila itong amyendahan kung kailangan.
Kokonsultahin muna anya nila si DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergerie upang mabatid kung ano ang mga probisyon sa batas na dapat amyendahan.
Una nang umapela si Vergeire kay Zubiri na amyendahan ang Vaccination Program Act of 2021 dahil kapag na-lift na ang state of calamity sa September 12 ay mawawalang bisa na ang ilang mga probisyon ng nasabing batas.