Pinayuhan ng PHIVOLCS o Philippine Institute Volcanology and Seismology ang Senado na lumipat ng lokasyon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na delikado ang kinatitirikan ng gusali ng Senado sa Roxas Boulevard sa Pasay dahil sa prone ito sa lindol at tsunami.
Aniya, posibleng magkaroon ng leadership vacuum sakaling tamaan ng sakuna ang Senado.
Kasabay nito, hinikayat ni Solidum ang iba pang sangay ng gobyerno na paghandaan ang pagtama ng malakas na lindol.
By Rianne Briones
Senado dapat lumipat ng lokasyon—PHIVOLCS was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882