Dinagdagan ng senado ang pondo para sa 82 state universities and colleges para sa susunod na taon.
Ito’y upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng pagpapatupad ng free higher education.
Tinanggap ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukala sa inaprubahang bersyon ng General Appropriations Act para sa taong 2025 sa senado.
Ayon sa senador, makatutulong ang karagdagang mahigit tatlong bilyong piso pondo upang mapalawak ang kakayahan ng mga SUC na tumanggap ng mas maraming mga estudyante.
Sa ganitong paraan anya anya mas maraming mga kabataan ang makikinabang sa libreng kolehiyo.
Dahil dito, tumaas ng 13% ang kabuuang pondo ng free higher education para sa taong 2025 kung ikukumpara sa inilaan ng National Education Expenditure (NEP).