Hinihintay na lamang ng mga Senador ang kopya ng Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdideklara ng batas militar sa buong isla ng Mindanao
Gayunman, hati ang mga mambabatas sa usapin kung pumalya ba o hindi ang intelligence gathering ng pamahalaan kaya’t nakalusot ang teroristang grupo na Maute sa Marawi City
Ayon kay Senador Gringo Honasan na dating naglingkod bilang militar, bagama’t pabor siya sa pagdideklara ng martial law sa Mindanao, naniniwala siyang hindi pumalya ang intelligence kundi nagkulang lamang sa koordinasyon
Para naman kina Senador Juan Miguel Zubiri at Panfilo Lacson, pumalya ang intelligence gathering ng militar dahil nabigla ang mga ito sa biglang paglaki ng puwersa ng mga kalaban na dahilan upang makubkob ang lungsod
Sa panig naman nila Senadora Riza Hontiveros at Senador Antonio Trillanes, nakababahal ang ginawang pagdideklara ng martial law ng Pangulo lalo’t naniniwala silang wala namang pangangailangan para gawin ito
By: Jaymark Dagala