Umaasa ang ilang miyembro ng simbahang katolika na hindi tutularan ng senado ang paspasang pagpasa ng mababang kapulungan sa kontrobersyal na death penalty bill.
Ayon kay Msgr. Meliton Oso, director ng Social Action Center ng Archdiocese of Jaro sa Iloilo, dapat ay maging matapang ang senado na ipagtanggol ang buhay ng isang tao lalo na kung inosente aniya ang mahahatulan.
Nakalulungkot aniya ang mga panahong ito dahil sa maraming batas ang bumabaligtad bunsod ng mga binibitawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala rin ang pari na walang panahon para sa muling pagbabalik ng parusang bitay sa bansa lalo pa’t kinakalawang din aniya ang criminal justice system ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala