Dapat nang i-synchronize ang pinaiiral na polisiya at sistema ng komunikasyon ng Administrasyong Duterte sa Benham Rise at iba pang karagatang sakop nito.
Ito’y ayon kay Senate Committee on Economic Affairs Chairman Sherwin Gatchalian upang maiwasan ang gulo at kalituhan tulad na lamang ng nangyaring maritime activity ng China sa Benham Rise.
Una nang napag-alaman na walang abiso ang China sa DFA o Department of Foreign Affairs sa kabila ng mayruong general invitation si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga barko ng China at iba pang dayuhang bansa na dumaan sa Benham Rise.
Kaya naman aminado si Gatchalian na hirap siyang magbigay ng konklusyon na kung nagkaroon nga ng bridge of protocol dahil may mga pag-uusap pa sa pagitan ng DFA at ng China.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno