Iginiit ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na hindi maaaring gamitin bilang dea” ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang pagtanggal sa panukalang sugar sweetened beverages.
Ito ay kaugnay ng sinabi ni Dominguez kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara na handa siyang tanggalin ang sugar tax basta maipapasa ng buo ang isinusulong na tax reform bill ng Malakanyang.
Paliwanag ni Sotto, ito ay dahil alam naman nilang gusto talagang alisin ng economic managers ng Malakanyang ang sugar tax mula sa tax reformed bill.
Dagdag pa ni Sotto, pangunahing ikinababahala ng senado sa ngayon ay ang magiging epekto ng P6.00 excise tax sa langis sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pamasahe.