Ipinagmalaki ng senado ang kanilang accomplishments sa unang bahagi ng 19th congress.
Sinabi ni Senate Presidente Miguel Zubiri, naging produktibo ang kapulungan mula noong nagbukas ang first regular session noong Hulyo 25 hanggang nito Disyembre 14
Umabot sa higit 1,600 sa panukalang batas at mahigit 300 resolusyon ang naipasa ng mga senador.
Kabilang sa mga batas ang naipasa ay ang Sim Registration Act o RA 11934 at pagpapaliban ng Barangay at Sanguniang Kabataan (BSKE) sa October 2023 o RA 11935.
Tiniyak naman ni Zubiri na patuloy na isusulong ng mga senador ang kinakailangang batas sa Enero 23, 2023.- sa panunulat ni Jenn Patrolla