Ipinagpaliban ng Senado ang mga aktibidad nito sa Lunes, Mayo 18 para magbigay respeto sa pumanaw na Dating Senador Tessie Aquio Oreta.
Bahagi na ng tradisyon sa Senado na ilaan ang isang araw na sesyon kapag may pumanaw na dati o kasalukuyang senador.
Dahil dito isasagawa na lamang sa susunod na araw, Martes, May 19 ang pagdinig para sa COVID-19 response ng gobyerno.