Nais ipasuspinde ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang anumang plano hinggil sa paggamit ng polymer sa ibang denomination ng Philippine banknotes.
Umapela si Pimentel sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itigil muna ang anumang pilot testing gamit ang polymer banknote sa 500 piso, 100 piso at iba pang paper bills ng bansa.
Ito ay kaugnay ng inihain na reklamo ng mga nakagamit na ng 1,000 peso polymer bill.
Hindi rin kumpiyansa si Pimentel sa seguridad ng bagong polymer banknote dahil aniya, ipini-print lamang ang security features nito habang sa dating salapi ay inilalagay na ang security features sa papel habang nasa manufacturing process pa lamang bago maging ganap na banknote.
Problema rin aniya ang kawalan ng pasilidad ng BSP para makapagproduce at print ng polymer sa pera.
Samantala, hiniling din ng senador sa BSP na bago magsagawa ng experiment sa polymer banknote ay pagkuhaan ng impormasyon at feedback ang pagdinig ng senado hinggil sa usapin. —sa panulat ni Hannah Oledan