Ipatutupad ang total lockdown sa gusali ng senado sa Lunes, Agosto 22, kasunod ng pagpopositibo sa COVID-19 ng ilang mga senador.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ipinag-utos na niya sa secretariat na magsagawa ng disinfection at masusing paglilinis sa lahat ng tanggapan sa senado.
Kaugnay nito, hindi muna papasukin ang mga empleyado ng senado, sa halip ay work from home muna sila sa lunes, at wala din munang sesyon.
Magbabalik naman ang sesyon ng senado sa Martes, Agosto23.
Mababatid na pitong senador na ang tinamaan ng COVID-19 simula nang magbukas ang 19th congress, kung saan marami sa mga ito ang na-expose sa kanilang mga staff at mga miyembro ng secretariat.—sa ulat ni Cely Ortega- Bueno