Nakatakdang isalang sa review ng Senate Committee on Foreign Relations ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika simula sa susunod na linggo.
Kasunod ito ng pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na i te-terminate ang naturang kasunduan kasunod ng pagkansela ng amerika sa US visa ni Senador Ronald ”Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Senator Koko Pimentel, aalamin dito ay ang mga kapakinabangan ng Pilipinas sa VFA, paano ito ipinapatupad, mga problema at paglabag sa batas at iba pa.
Bukod sa VFA ay tatalakayin rin ang Enchanced defense cooperation agreement at mutual defense treaty na pinasok ng bansa sa Amerika at Australia.
Layon aniya ng komite na maipasa sa Malakanyang ang kanilang committee report bago mag Marso.