Nagpahayag ng kani-kanilang reaksyon ang mga Senador hinggil sa naging pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng PNP na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa
Para kay Senador Gringo Honasan, hindi na mahalaga ang tukuyin kung sinu-sino ang mga ito sa halip, dapat manaig ang rule of law at due process
Hindi rin aniya dapat hayaan ng Pangulo na malagay sa trial by publicity ang 5 dati at kasalukuyang heneral dahil kaawa-awa ang magiging sitwasyon ng pamilya ng mga ito
Sa panig ni Senador Tito Sotto, naniniwala itong A-1 o first hand ang impormasyong hawak ng Pangulo at tiyak na matagal na itong nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga
Pinapurihan naman ni Senador Koko Pimentel ang ginawa ng Pangulo na isang senyales aniya ng masidhi nitong pagganap sa kaniyang tungkulin bilang punong ehekutibo ng bansa
By: Jaymark Dagala