Maghahain ng petisyon bukas sa Korte Suprema ang ilang dati at kasalukuyang Senador para linawin ang poder nito sa pagbasura sa lahat ng mga tratado o kasunduang pinasok ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa.
Ito’y sa harap na rin ng debate kung kailangan ba talagang may basbas ng Senado ang ginawang pagkansela ng ehekutibo sa pag-iral ng Visiting Forces Agreement VFA.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kasama niyang tutulak sa Supreme Court para ihain ang declaratory relief and mandamus sina Senator Panfilo Lacson at Richard Gordon.
Kasama rin nila Sotto sa maghahain ng petisyon sa High Tribunal ang mga dating senador na sina Francisco Tatad at Rodolfo Biazon.
Ayon sa Senate President, sakaling paboran ng Korte Suprema ang Senado, kanila nang uumpisahan ang pagrepaso sa VFA para mapakinabangan pa lalo ng Pilipinas ang alyansa nito sa Amerika.