Magiging abala ang senado sa pagbabalik sesyon nito sa huling linggo ng Hulyo.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kanilang tututukan at gagawing prayoridad ang tax reform bill na lusot na sa Kamara.
Kabilang rin aniya, sa kanilang posibleng talakayin ay ang panukalang pagbabalik sa parusang kamatayan at ang pagpapalit ng form of government mula presidential patungong parliamentary.
Sinabi pa ni Pimentel na kanila na ring uumpisahan ang pagbuo sa pambansang budget para sa 2018.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno