Nakatakdang dalhin sa senado ang labi ni dating senador Ramon Revilla Sr. bukas, ika-1 ng Hulyo, para sa ibibigay na necrological service para rito.
Batay ipinalabas na schedule, isasagawa ang necrological service simula alas-11 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon na susundan naman ng public viewing simula alas-2 ng hapos hanggang alas-8 ng gabi.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, pag-uusapan pa kung bubuksan sa media ang necrological service at kanila pang ikokonsulta ito sa Inter-Agency Task Force.
Dagdag ni Sotto, posibleng gawin na ring virtual o online ang coverage ng necro service para sa yumaong dating senador.
Magugunitang nananatiling naka-semi lockdown ang gusali ng senado dahil sa pagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng ilang empleyado nito.