Nakatakdang magsagawa ng hearing ang Senado kaugnay sa pagresponde ng gobyerno sa 2019 novel corona virus respiratory disease.
Ayon kay Senator Christopher ”Bong” Go, chairman ng Senate Health Committee, inaasahang dadalo sa naturang pagdinig ang mga kinatawan ng mga concerned agencies tulad ng DOH, DFA, DOTr at mga opisyal ng MIAA.
Binuksan naman ng senador ang imbitasyon para sa mga doktor na maaring magbahagi ng kanilang kaalaman para labanan ang nCoV.