Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang senado kaugnay sa polisiya ng gobyerno sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senator Loren Legarda, Chairman ng Committee on Foreign Relations, ito ay bilang bahagi ng senado sa paglalatag ng foreign policy ng bansa.
Nakatakdang magsagawa ng public hearing ang naturang committee upang alamin ang pulso ng publiko sa usapin ng militarisasyon at kung paano hindi magkakaroon ng tensyon sa lugar.
Aniya, makakasama ng foreign relations committee ang committee on national defense sa pangunguna naman ni Senador Gringo Honasan.