Nagkasundo ang mga Senador na magsagawa pa rin ng sesyon kahit pa deklarado na bilang holiday ang mga araw ng Nobyembre 13 hanggang 15 dahil sa ASEAN Summit.
Gayunman, sinabi ni Senate President Koko Pimentel na kailangan pa rin nilang ayusin ang iba’t ibang mga isyu tulad ng transportasyon at security concerns dahil inaasahang isasara sa mga motorista ang mga daan patungong Senado.
Sa sandali aniyang maayos na nila ang mga naturang usapin, sinabi ni Pimentel na kanilang tututukan ang panukalang tax reform sa mga nabanggit na petsa.
Wala rin aniyang problema sa Senado kahit nagpasya ang Kamara na sa Nobyembre 20 na sila magbalik sesyon sa halip na Nobyembre 13 batay na rin sa legislative calendar.