Malabo nang magkaroon ng “special session” ang senado para talakayin ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL bago matapos taon.
Ito ay matapos na magkasundo sina Majority Floor Leader Tito Sotto at Minority Floor Leader Franklin Drilon na wala na silang oras para talakayin ang nasabing panukala.
Ayon kay Drilon, nakatutok pa sila ngayon at minamadali na nila ang pagpasa ng panukalang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN at proposed national budget para sa susunod na taon.
Giit pa ni Drilon, kanit pa magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte ay wala pa din silang matatalakay sa plenaryo dahil wala pang committee report ukol sa BBL.
Dagdag pa ni Drilon, oras na makalusot sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay aakto naman bilang impeachment court ang senado pagpasok ng buwan ng Enero.