Malamig ang pagtanggap ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa panukalang gawing ligal sa bansa ang diborsyo makaraang makalusot ito sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pimentel na mayroon na aniyang mga paraan na nailatag para sa paghihiwalay ng mga mag-asawa.
Hindi rin pabor si Pimentel sa istilo ng diborsyo na nais ipasa ng Kamara na tila inihahalintulad ng mga mambabatas sa sistemeng ipinatutupad ngayon sa iba pang mga bansa tulad ng Amerika.
Siguro bigyan muna natin ng warning ‘yung mga judges ng mga family court na masyadong matagal nang natutulog ‘yung mga kasong hinahawakan sa annulment at sa declaration of nullity. Dahil dito sa debate ngayon, ang mata ng taumbayan nasa kanila. Mag-audit naman sila ng performance nila, i-audit na rin namin sila sa Senado.. Malabo siguro ‘yung American style, para ng vending machine daw eh.o kaya drive thru. Malabo po ‘yan kaya huwag na nating asahan. Pahayag ni Pimentel
Sa panig naman ni Senadora Cynthia Villar, isa sa mga nakikita niyang magiging malaking problema ay ang Simbahang Katolika na siyang mariing tumututol sa naturang panukala.
We are a bicameral system, hindi naman pwedeng sa House lang pumasa. Malakas ang lobby dito ng Catholic Church, so we will be having a hard time, most Filipinos are Catholic so mukhang mahihirapan talaga tayo. Paliwanag ni Villar