Mananatiling independent at patuloy na totoo sa paggampan ng tungkulin bilang huling balwarte ng demokrasya sa bansa ang Senado.
Ito ang tiniyak ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel matapos ang naganap na reorganization kahapon.
Sinabi ni Pimentel na naapektuhan na ang trabaho ng Senado dahil sa tila hindi malinaw na linya sa pagitan ng mayorya at minorya.
May mga pangyayari aniya na sa halip na nagkakaisa ang majority, ay humahantong sa pagkakahiwa-hiwalay o hindi pagkakaunawaan sa isang usapin.
Una rito, nagpahayag ng pagkabahala si Senador Kiko Pangilinan na makompromiso ang pagiging independent ng Senado dahil sa ipinatupad na reorganization.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno