Karapatan ng Senado na imbestigahan ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ang inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon matapos igiit ni Faeldon na mas gugustuhin niyang magsalita sa tamang kumite.
Ayon kay Gordon, isa sa mga tungkulin ng Blue Ribbon Committee ay ang imbestigahan “in aide of legislation” ang mga kontrobersya at issue ng katiwalian na kinasasangkutan ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng Senador na maingat ang kanyang kumite sa mga tsismis o hindi beripikadong impormasyon dahil hindi ito tatanggapin ng husgado.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t nais muna niyang magsumite ng affidavit ang mga resource person na ipinapatawag sa kanyang pagdinig.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE