Nagkaroon ng rigodon sa liderato sa Senado.
Natanggal si Senador Franklin Drilon bilang Senate President Pro-Tempore.
Labingpitong (17) Senador ang bumoto para kay Senate Minority Leader Ralph Recto para maging bagong Senate President Pro-Tempore.
Inisa-isa ring tinanggalan ng committee chairmanships sina Senador Bam Aquino (Education Committee), Kiko Pangilinan (Agriculture Committee) at Risa Hontiveros (Health Committee).
Sina Drilon, Aquino, Pangilinan at Hontiveros ay pawang mula sa Liberal Party na kritiko ng administrasyong Duterte.
Kaugnay nito, si Senator Cynthia Villar ang mamumuno sa Agriculture Committee, napunta naman kay Senator Chiz Escudero ang Education Committee, samantalang pamumunuan naman ni Senator JV Ejercito ang Committee on Health.
By Meann Tanbio / Cely Bueno (Patrol 19)