Dinala sa Senado ang labi ng yumaong dating Senador Edgardo Angara para sa necrological services.
Necrological service para kay dating Senador Edgardo Angara sa Senado. | via @blcb pic.twitter.com/CSoHQ45kg0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 16, 2018
Kabilang sa unang nagsalita sina Manila Mayor Joseph Estrada Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kapwa nakasama niya sa Senado.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Estrada na masaya siya dahil nakilala at naging kaibigan niya si Angara.
Dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada nagbigay ng eulogy sa necrological service para kay ex-Sen. Edgardo Angara sa Senado. | via @blcb pic.twitter.com/5bWNqwwqf1 — DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 16, 2018
Si Angara ay itinalaga noon ni Estrada bilang Agriculture Secretary sa ilalim ng kanyang administrasyon at naging executive secretary ng labing apat na araw bago umalis ng Malacañang si Estrada.
Samantala, tinawag namang principled public servant at isang higante sa hanay ng legal luminaries ni dating Pangulong Arroyo si Angara.
Bahagi ng eulogy ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo sa necrological service para kay ex-Sen. Edgardo Angara sa Senado. | via @blcb pic.twitter.com/B3N71Req8p
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 16, 2018
Ulat ni Cely Bueno/ Photo Credit: Senator Joel Villanueva/ Twitter