Pinag-aaralan ng Senado kung paano maibabalik sa murder ang homicide case laban kina Supt. Marvin Marcos at iba pa.
Ayon kay Senador Bam Aquino, may mga abogadong nagsasabi na baka huli na ang lahat dahil nabasahan na ng sakdal ang grupo ni marcos sa kasong homicide.
Gayunman, hindi anya nila basta isusuko ang laban lalo pa’t naninindigan ang mga orihinal na nag imbestiga sa kaso na talagang planado o murder ang pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa at isa pa sa loob ng kulungan sa Baybay Leyte.
Samantala, kumbinsido naman si Senador Richard Gordon na hindi si Marcos ang tunay na mastermind sa pagpatay kay Espinosa.
“Ang mastermind nito either nagpapasikat o inutusan siya, either nag-eexhibition, at that time remember the President took out 5 generals, nagkaroon ng bakante ngayon, magtataasan ang promotion niyan, either nag-eexhibition si Marcos na baka sakaling ma-promote naman ako ngayon.” Ani Gordon
Tiniyak ni Gordon na ipatatawag nila sa susunod na pagdinig ng Senado si Marcos.
“Dapat ipatawag siya sa susunod na pagdinig, ipa-subpoena yung records niya, ano ba yung outstanding records niya.” Pahayag ni Gordon
By Len Aguirre / Karambola (Interview)
Senado naghahanap ng paraan para maibalik sa murder ang kaso ni Supt. Marcos was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882