Naghahanda na ang senado sa pagsailalim ng Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, III, tatantyahin pa nila kung uubra ang online sessions nila subalit kung hindi ay maaari nilang suspendihin ang sesyon habang nasa ECQ ang Metro Manila.
Magpapasya aniya sila sa Miyerkules, Agosto 4 kung ano ang magiging pinal na set-up sa senado kaugnay sa pagsailalim sa NCR sa ECQ.
Pero yung mga employees namin hindi naman lahat may sasakyan, yung iba nagcocommute. Tapos kahit na i-skeletal namin yon, ganun pa rin. Medyo masusubo sa alanganin yung mga empleyado namin. E sabi nga ng gobyerno, pinasasara nila yung mga government offices, skeletal lang. So itong mga matitira, mga gumagawa lang ng papeles ng mga kailangan ng senado, skeletal lang din. Siguro we could…conduct hearings during the 2 weeks. Well i’m talking on my…ako lang yun. I said by Wednesday, dedesisyunan namin ng buo yung aking rekomendasyon, ”si Senate President Vicente Tito Sotto,III sa panayam ng DWIZ.