Nagkasundo ang mga senador na ibaba na lamang sa 10 percent mula sa 20 percent ang cosmetic tax o buwis para sa mga cosmetic procedures.
Kasunod ito ng mahabang balitaktakan sa Senado makaraang tututulan ni Senador Franklin Drilon ang panukala ni Senador Ralph Recto na huwag taasan ang ipinapataw na buwis sa mga cosmetic procedures.
Ayon kay Drilon, hindi katanggap-tanggap na tatamaan ng dagdag na excise tax sa langis ang mga mahihirap samantalang ang mga may kayang nakapagbabayad ng malaki sa pagpapaganda ay hindi papatawan ng dagdag na buwis.
Iginiit ni Drilon na kinakailangang maging progressive ang paraan ng pagbubuwis sa bansa kung saan ang mga may pera ang dapat mapatawan ng mas mataas na buwis at hindi ang mga mahihirap.
Samantala, nagkaroon ng tawanan sa pagtalakay ng mga senador matapos sabihin ni Senador Angara na may gusto pang isulong na exception si Senador Dick Gordon kaugnay ng isang procedure na may kinalaman sa kanyang pangalan.
Nagkabiruan pa kung anong procedure ang nais ni Gordon kung enhancement o reduction.
—-