Nagkasundo sina senate Majority Floor Leader Tito Sotto at Senate President Koko Pimentel na mag-convene sila bilang committee of the whole.
Ito’y para masagot at mabigyang linaw ng mga economic manager ng Malakanyang ang maraming katanungan ng mga senador sa nilalaman ng tax reform package.
Ayon kay Sotto, maaaring sa susunod na linggo nila i-iskedyul ang pag-convene sa committee of the whole.
Pangunahin aniya sa kanyang kwestyun sa isinusulong na tax reform package ay kung bakit P900-B ang target nilang makolekta gayong ang magiging forgone revenue sa ibibigay na tax relief sa mga taxpayers ay P140-B.
Giit ng senador, sobra-sobra ang gustong pambawi para sa inaasahang mawawala o mababawas sa revenue ng gobyerno.
- Meann Tanbio | Story from Cely Bueno