Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang mga senador hinggil sa usapin ng kanselasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Kahpaon, inihain ng mga abogado ni Senate President Vicente Sotto III ang petition for declaratory relief and mandamus.
Layon nitong mabigyan ng linaw ng Korte Suprema ang usapin kung kinakailangan pa ang concurrence o pagsang-ayon ng Senado sa pagbasura ng VFA
Gayundin ang pagtukoy sa kapangyarihan ng senado sa pakalas sa mga international agreements tulad ng VFA.
Tumatayo bilanng petitioner si sotto at kanyang abogado si Minority floor leader Franklin Drilon habang respondents sina Executive secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs secretary Teddy Boy Locsin Jr. — Ulat ni Cely Ortega Bueno (19)