Nagsisilbi ang Senado bilang critical check and balance sa anumang posibleng pag abuso sa kapangyarihan ng ehekutibo.
Binigyang diin ito nina Senador JV Ejercito at Sherwin Gatchalian na kapwa naggigiit na hindi dapat baguhin ang pagiging bicameral ng lehislatura sa planong pag amiyenda sa saligang batas.
Sinabi ni Ejercito na sa kasaysayan ng pulitika sa bansa naiiwasan ang pag abuso sa kapangyarihan ng ehekutibo dahil sa umiiral na bicameral system kayat mahirap ito maimpluwensyahan.
Ayon naman kay Gatchalian masusing pinag aaralan ng mga Senador ang mga ipinapasang batas para matiyak na ang mga programa ng gobyerno ay talagang magbibigay benepisyo sa mga Pilipino at sa bansa.
Ang Senado anila ay bahagi ng democratic republic at isang fundamental institution ng liberty at justice kayat dapat itong hayaang gawin ang misyon na makapagsilbi sa taumbayan.