Inihayag ni Senadora Grace Poe na nais niyang magsagawa ng imbestigasyon ang senado hinggil sa sunod-sunod na kaso ng kidnapping sa bansa.
Nais namang maghain ni Poe ng resolusyon na maguudyok sa committee on public order and dangerous drugs at iba pang kumite na magsagawa ng inquiry sa kidnapping na naitala sa Maynila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), 27 kaso na ng kidnapping ang naitala sa kasalukuyang taon.
Kabilang rito ang 15 kaso na konektado sa POGO, 11 kaso ng kidnap for ransom at isang casino-related na kaso.
Giit ng mambabatas, matindi ang pangangailangan na malutas at malaman ang motibo para matukoy ang mga salarin at mapigil ang patuloy na pagtaas ng kidnapping sa bansa. - sa panunulat ni Hannah Oledan