Nakatakdang isumite ng senado sa Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang opsyon para sa pagpapalit ng mga opisyal ng barangay.
Kasunod ito ng pahayag ng Pangulong Duterte na mas gusto niyang magtalaga nalang ng kapitan ng barangay, kaysa ituloy ang eleksyon sa Oktubre.
Sinabi ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na bagama’t gusto ng Pangulong italaga nalang ang mga opisyal ng barangay, ipinaubaya parin aniya sa kanila, ang pagsusuri sa kung ano ang magandang paraan para palitan ang mga ito.
Samantala, sinabi ni Sotto na si senate president koko pimentel na ang pormal na maglalabas ng kung ano ang tatlong napagkasunduang opsyon.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno