Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na kulang sa mga detalye ang inilabas na report ng AI o Amnesty International hinggil sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Sinabi sa DWIZ ni Lacson na hindi pa niya nabasa nang buo ang nasabing report na kung kailangan namang panindigan ay gagawin din niya base sa valid evidences.
Mabigat aniya ang paratang ng AI sa nasabing report dahil tila idinamay na nito ang lahat na may kinalaman sa pagpatay sa mga drug suspects.
“May identity ba sila, mayroon bang affidavit yung pulis? Mayroon bang ebidensyang hawak yung pulis, unless makakita talaga tayo ng pruweba o ebidensya then tayo mismo kailangang tumayo rin para kung hindi man i-condemn ay gumawa tayo ng paraan para ma-correct, pero kung tinatamaan naman ang ating bansa, putting us in bad light, the PNP, kasama na tayong lahat doon at wala naman pong maipakitang ebidensya ay tatayuan din naman natin ito.” Ani Lacson.
Dahil dito, ipinabatid ni Lacson na susulatan niya ang AI para makuha ang buong report at maimbestigahan din ito kung kinakailangan.
“Tignan natin kung ano ang legislation na maisasagawa, o kaya yung aming oversight function ay puwede naming gamitin para tignan ito kung talagang nangyayari, siguro maganda kung masulatan sila in an official capacity ng Senado, gagawin natin yun, para maliwanagan kung ano ba ang hawak nila dahil kung wala naman eh sila ang babalikan natin na bakit kayo gumawa ng report na nakakasira sa aming bansa ah wala naman pala kayong hawak?” Paliwanag ni Lacson.
‘Rogue cops’
Samantala, hindi sapat na pahiyain lamang ang mga pulis na dawit sa pangongotong sa mga Koreano sa Angeles City sa Pampanga.
Reaksyon ito ni Senador Panfilo Lacson matapos murahin at sermunan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pitong pulis Angeles na sangkot sa extortion activities sa mga Koreano.
Binigyang diin sa DWIZ ni Lacson na kailangan ang mas mabigat na hakbang para parusahan ang mga tiwaling pulis at hindi na pamarisan ng iba pang miyembro ng pulisya.
“Dismissable yan eh, ipakita ngayon na mabilis yung summary proceedings, yung proactive measure, ano ang gagawin para ang future incidents hindi na maganap, yun ang mas importante. Nagkausap kami ni General Dela Rosa, sabi niya naka-set up na sila, sisimulan na nila, sabi ko kailangan may impact hindi puwedng babagal-bagal, alam mo naman kako ang mga pulis hindi tatablan yan ng hinay-hinay, tatalab lang yan kapag shock action ang epekto.” Dagdag ni Lacson.
By Judith Larino | Karambola (Interview)