Pag – aaralan ng senado ang isusumiteng komento sa Korte Suprema kaugnay sa petition for certiorari at petition for TRO na inihain ng kampo ni Aegis Juris Fraternity Officer Arvin Balag.
Ayon ito kay Senate President Koko Pimentel matapos bigyan ng sampung araw ng High Tribunal ang senado para mag komento sa mga nasabing petisyon.
Si Balag ay nakakulong pa rin sa Senado matapos I – contempt nang tumangging sumagot sa mga simpleng tanong ni Senador Grace Poe sa pagdinig ng Senado hinggil sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Sa nakalipas na pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Committee, nagpasya si Committee Chair Panfilo Lacson na huwag palayain ang si Balag sa kabila nang paghingi ng tawad nito, at sa kabila ng pag – amin na dating grand perfectus ng aegis juris fraternity.