Pinagpapaliwanag na ng Korte Suprema ang mataas na kapulungan ng Kongreso kaugnay sa inihaing petition for certiorari ni dating Aegis Juris President Arvin Balag na kumukuwestyon sa patuloy na pagkakapiit nito sa senado.
Partikular na inatasan ng Supreme Court o SC ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drug na pinangungunahan ni Senador Panfilo Lacson.
Binigyan naman ng SC ang senado ng sampung araw upang ihain ang kanilang paliwanag sa petisyon ni Balag.
Magugunitang pinatawan ng contempt ng Senado si Balag dahil sa hindi umano nito pagtugon ng tama sa mga tanong ng mga senador sa kanyang tunay na posisyon sa Aegis Juris nang isagawa ang hazing kay Horacio “Atio” Castillo III.