Kinalampag ni Albay Rep. Joey Salceda ang Senado dahil sa tila mabagal na pagtalakay nito sa panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).
Ito’y kasunod ng naging pananalasa ng Super Bagyong Rolly nuong isang linggo na ikinasawi ng nasa 22 na karamihan ay nagmula sa Bicol Region na baluwarte ni Salceda.
Ayon sa mambabatas, wake up call para sa Pamahalaan ang pagkamatay ng mahigit 20 indibiduwal kaya’t tanong niya sa mga Senador ay hanggang kailan magsasakripisyo ang publiko bago ito kumilos.
Binigyang diin pa ni Salceda na sinertipikahang urgent na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address o SONA ang DDR at naipasa na ito ng mababang kapulungan sa ilalim ng nuo’y House Speaker Allan Peter Cayetano.
Fortune favors the prepared. We cannot avoid typhoons and other calamities that come with our geography, but we can keep the risks low and the damage controlled. That is resilience: being able to achieve meaningful progress despite natural and external adversities The DDR will be the primary agency responsible, accountable, and liable for leading, managing, and organizing national efforts to prevent and reduce disaster risks; prepare for and respond to disasters; and recover, rehabilitate and build forward better after the destruction,” paliwanag ni Salceda.
How much human sufferings do we have to endure before we pass the vital DDR Act?” dagdag pa nito.
Giit pa ni Salceda, “fact of life” ang kalamidad sa bansa dahil sa maraming aktibong bulkan, madalas daaanan ng bagyo at dinagdagan pa ng epekto ng Climate Change kaya’t panahon na upang magtayo ng isang kagawaran na tututok dito.
Kung pondo aniya at dagdag gastos ang ipinupunto ng ilang mga Senador hinggil sa nasabing usapin, sinabi ni Salceda na maaari naman itong mahanapan ng solusyon dahil nagawa na ito ng Kamara.
If the problem is the funding, it is the mandate of the government to look for the budget for the department”pahayag ni Salceda.