Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang joint resolution na magpapahintulot sa pamahalaan na gamitin ang pondo sa rice subsidy bilang pambili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Sa ilalim ng house joint resolution number 22, magagamit na ang natitirang P6.97-M na rice subsidy fund ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4P’s) para bilhin ang mga palay ng mga magsasaka.
Nakasaad din dito na aktwal na bigas ang ibibigay sa mga benepisyaryo imbis na pera.
Samantala, bibilhin ng pamahalaan ang palay ng mga lokal na magsasaka sa halagang 19 pesos kada kilo.
Magugunitang inaprubahan ng Senado ang sariling bersyon nito ng naturang joint resolution.