Nangangamba si Senate Minority Leader Franklin Drilon na tuluyang mabuwag na ang Senado o ang mataas na kapulungan ng Kongreso sakaling ganap nang maikasa ang isinusulong na pagpapalit ng sistema ng pamahalaan.
Ayon kay Drilon, tila nawawalan aniya ng saysay ang Senado sa mga bansa kung saan umiiral ang sistemang parliamentary – federal form of government tulad na lamang sa Europa at iba pa.
Kasunod nito, nagpahayag din ng pagkabahala si Drilon sa mga binibitawang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa usapin ng pagpapalit ng sistema tungo sa pederalismo na isinusulong din ng administrasyon.
Magugunitang binatikos ni Alvarez ang Senado nang tawagin niya itong mabagal na kapulungan ng Kongreso dahil sa mga mala-usad pagong na pagpasa ng mga batas na kinakailangan ng taumbayan.
—-