Posibleng talakayin ng Senado ang umano’y marangyang Christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO noong nakaraang buwan.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, magpapatuloy sa Enero 17 ang pagdinig ng komite sa mga nakabinbing panukalang batas kaugnay ng PCSO Charter at posibleng mabuksan ang mga alegasyon ni PCSO Board Member Sandra Cam.
Matatandaang binatikos ni Cam ang kapwa niya opisyal sa PCSO na sina General Manager Alex Balutan at Chairman Jorge Corpuz dahil sa umano’y paggasta ng mahigit 10 milyong piso para Christmas party ng ahensiya.
Itinanggi naman ni Balutan ang akusasyon at sinabing 6 na milyon lamang ang kanilang ginugol.
—-