Target ng senado na makalipat na sa pinaplanong gusali na ipatatayo sa bahagi ng Bonifacio Global City sa taong 2020 sunod sa Korte Suprema.
Ayon kay Senate Committee on Accounts Chairman Panfilo Lacson, world class at iconic ang ipatatayong sariling gusali ng Senado kaya’t nais nilang maglunsad ng kompetisyon sa mga architect na gumagawa ng conceptual design sa buong mundo.
Panahon na aniya para makalipat sa sariling gusali ang Senado ng bansa dahil nakakahiya aniyang mag-imbita ng mga mambabatas mula sa ibang bansa dahil sa hindi na kaaya-ayang kundisyon ng kasalukuyang gusali ng Senado.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno