Titiyakin umano ng Senate Committee on Labor and Employment na isang mahusay at balanseng batas ukol sa ENDO o End of Contract ang maipapasa sa Senado.
Ayon kay Senate Committee Chair Joel Villanueva, makaaasa ang parehong manggagawa at employer na tutugon sa kapakanan ng mga manggagawa ang maipapasang batas sa Senado, titiyak sa pagkakaroon ng disenteng trabaho at security of tenure, at isasaalang-alang din nito ang pangangailangan ng mga kumpanya na magkaroon ng sapat na lakas paggawa.
Una rito, nag-isyu ng kautusan ang Department of Labor and Employment na nagpapataw ng total ban sa labor contracting, nagreregulate sa mga lehitimong contractual arrangement, at nagpapahinto sa endo.
By: Avee Devierte / Cely Bueno