Titiyakin umano ng Senado na dadaan sa tamang proseso at kaukulang debate ang death penalty bill.
Ayon kay Senate Assistant Minority Floor Leader Bam Aquino, hindi papayag ang Minority Bloc sa Senado na madaliin ang deliberasyon at pagpasa ng panukalang batas.
Dapat aniyang hayaan ang mga Senador na maging hayag sa kanilang boto upang makapagpaliwanag at magkaroon din sila ng pananagutan.
Una nang sinabi ng Minority Bloc sa Senado na aktibo silang makikilahok sa plenary debate ng death penalty bill.
By: Avee Devierte / Cely Bueno