Tuloy-tuloy ang trabaho ng Senado sa kabila ng nakatakdang pagsisimula ng recess ng Kongreso sa October 4.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, pinagtibay na ng Senado ang inihain niyang resolusyon na humihiling na payagan ang lahat ng komite na magsagawa ng pagdinig, pagpupulong at konsultasyon kahit pa naka-recess.
Layon aniya ng senate resolution 154 na magkaroon ng continuity o pagpapatuloy sa proseso ng pagpapasa ng mga nakabinbing panukalang batas.
Kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng mga pagdinig ang senate finance committee hinggil sa P4.1-T proposed budget sa 2020 habang may mga pagpupulong naman ang ilang mga technical working group sa mga susunod na linggo.
Tataggal ng isang buwan ang recess ng 18 congress at magbabalik ang first regular session sa November 4.