Tutulong ang senado sa planong pagpapaimbistigang muli sa Mamasapano encounter.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kung kinakailangan at para hindi na paulit-ulit, ibibigay nila sa lilikhaing truth or independent commission ang transcript ng mga isinagawang pagdinig sa naturang insidente.
Posible anyang hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng mga naging imbestigasyon noon.
Samantala, sinabi ni Pimentel na kung siya ang masusunod, nais niyang huwag nang muling imbestigahan ang Mamasapano incident dahil marami silang dapat tutukang trabaho sa senado.
Gordon sang-ayon na imbestigahan muli ang Mamasapano incident
Sang-ayon si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na maimbestigahang muli ang mamasapano incident.
Sa kanyang privilege speech, inihayag nito ang pangangailangan sa re-investigation.
Inirefer na ang talumpati ni Gordon sa Committee on Public Order na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson.
Samantala, sa panig naman ni Senador Sonny Angara, naniniwala siyang naging masusi na ang imbestigasyon ng senado noon.
Sa katunayan, aniya, may mga isinusulong ng remedial legislation upang hindi na maulit ang naturang insidente.
By: Avee Devierte / Cely Bueno