Tututok na ang senado sa mga nakabinbing panukalang batas sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.
Tinukoy ni Senate President Aquilino Pimentel Jr ang tax reform package, emergency powers at mga pagbabago sa konstitusyon.
Gayunman, tiniyak rin ni Pimentel na laging bukas ang senado sa pamamagitan ng Blue Ribbon Commmittee ang mga alegasyon ng pang-aabuso.
Gayunman, malabo na anyang maiharap sa senado ang sinasabing apat pang naging miyembro ng davao death squad o DDS na magpapatibay sa mga alegasyon ni retired SPO3 Arturo Lascañas.
PAKINGGAN:Pahayag ni Senate President Aquilino Pimentel Jr sa panayam ng DWIZ
Impeachment case vs. VP Robredo
Samantala, pinayuhan ni senate president aquilino pimentel jr ang oposisyon na maghinay hinay sa pagbibigay ng reaksyon sa kanyang mga pahayag hinggil sa impeachment case laban kay vice president leni robredo.
Ayon kay pimentel, wala namang dapat ipag alma ang kampo ni robredo dahil parang classroom discussion lamang ang kanilang ginagawa.
Kung tutuusin anya ay masyadong maaga para pag usapan ang impeachment kay robredo dahil wala pa namang nangyayari dito.
PAKINGGAN: Si Senate President Aquilino Pimentel Jr sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre | Karambola (Interview)