Ipinauubaya na ni Senate President Koko Pimentel sa ICC o International Criminal Court ang matalino at patas na pagpapasya.
Kaugnay ito sa isinampang kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa 11 pang opisyal ng pamahalaan hinggil sa crimes against humanity dahil sa kampaniya ng pamahalaan kontra droga.
Ayon kay Pimentel, umaasa siyang makikita ng ICC ang tunay na layunin ng inihaing kaso laban sa Pangulo na malinaw aniyang politically motivated.
Hangad din ng Senate President na huwag magpagamit ang ICC sa domestic politics sa Pilipinas dahil sa mga pinalulutang na bilang ng mga nasasawing drug users at pushers.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno