Umapela ang Senado sa Duterte administration na ibasura ang planong liberalisasyon ng sugar industry para sa mga manggagawa nito.
Ayon sa mga senador, ang planong liberalisasyon sa sugar industry ay taliwas sa nais ni Pangulong Rodrgigo Duterte na magkaroon ng food security at lubos din itong makaaapekto sa sektor ng agrikultura.
Aniya, ang naging pahayag ng mga economic manager ng pangulo na liberalization sa asukal o deregulation sa pag-iimport at pagpayag sa direktang pag-angkat ng asukal ay maituturing na disaster.
Kung dahil dito ay magco-collapse ang sugar industry ay tataas ang antas ng kahirapan na magiging dahilan ng kriminalidad at insurgency.