Wala nang magagawa ang Senado para magamit pa ang inihabol na Committee Report ng Blue Ribbon Committee hinggil sa Pork Barrel Fund Scam at 81 Million Dollar money laundering scheme.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ito’y dahil isinumite ang mga ito noong araw na nag-adjourn sine die o nagsara na ang sesyon ng Senado.
Iginiit ni Drilon na dahil hindi nila natalakay at naaprubahan sa plenaryo ang mga nabanggit na committee report, hindi ito maaaring i-adopt at gawing basehan ng papasok na 17th Congress dahil wala sa record na ito ay officially submitted.
Ayon pa kay Drilon, kung paiimbestigahan muli ang Pork Barrel Scam at ang Money Laundering sa 17th Congress at kung gustong ikunsidera ang mga rekomendasyon nito, dadaan muli ito sa step one na paghahain ng resolusyon tungo sa pagpapatawag ng mga public hearing at pagbuo muli ng committee report.
By: Meann Tanbio