Muling iginiit ng malakaniyang na hindi na kailangan pa ng Senate concurrence sa pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, maituturing kasi na “executive agreement” ang VFA.
Ibig sabihin ay nasa desisyon ng pangulo at walang mandato sa konstitusyon ang pagkakaroon ng papel ng Senado tuwing may kakanselahing kasunduan.
Ani Panelo, ang ginagawa lamang ngayon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na pakikipag ugnayan sa Senado ay para abisuhan lang ang sangay ng pamahalaan sa nasabing hakbang bilang tanda umano ng courtesy o pagkilala sa co-equal branch.